SUMAMPA na sa 37 pulis ang iginupo ng COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP) Health Service.
Sinabi ni Administrative to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander at PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang huling biktima ay 45-anyos na lalaking Non Commission Police Officer, nakatalaga sa PNP-National Capital Regional Police Office at nasawi noong Marso 27.
Sa report ng PNP HS, nasa 185 na bagong COVID-19 cases ang naitala sa nasabing petsa at 13 sa mga ito mga nahawa lang o muling nadapuan ng virus.
Sa kabuuan sumampa na sa 2,068 ang active cases sa PNP.
Sa ngayon, ang PNP ay mayroon nang 14,283 COVID-19 cases kung saan nasa 12,178 naman ang nakarekober sa sakit.
Bunsod nito, pinatitiyak ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na istriktong ipatupad ang minimum health and safety protocol sa lahat ng mga kampo ng PNP kaya ipinag utos ang inspection sa mga police at unit commanders sa kanilang mga nasasakupan. VERLIN RUIZ
507186 206206Whoah this blog is magnificent i truly like reading your articles. Maintain up the good paintings! You realize, plenty of persons are looking round for this info, you can aid them greatly. 769865
78937 239720Some truly quality weblog posts on this internet website , saved to my bookmarks . 682880