45 HOSPITAL WORKERS POSITIBO SA COVID-19

OLONGAPO CITY –APATNAPU’T LIMANG health care workers ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) sa lungsod na ito ang isinailalim sa pagsusuri matapos magpositiibo sa COVID- 19.

Ayon kay JLGMH Hospital Director Dr. Jewel Manuel, pawang mga fully vaccinated at mga nakatanggap na ng booster shot ang 45 na mga infected health workers na ang ilan sa mga ito ay naka-confine sa naturang pagamutan habang ang iba’y sumasailalim naman sa home quarantine.

Sinabi ni Manuel, nakakaranas lamang umano ng mild symptoms ang mga ito at wala naman naitalang

nasa kritikal na kondisyon.
Tiniyak ni Manuel na nananatili naman umanong operational ang kanilang pagamutan at bakante ang kanilang Intensive Care Unit sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng virus sa naturang lugar. ROEL TARAYAO