45 OFWs MULA LEBANON BALIK-PINAS

NAKAUWI na sa bansa ang 45 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa war-torn Lebanon, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sa isang Facebook post, sinabi ng DMW na ang 45 OFWs at dalawanh bata ay dumating noong Huwebes sakay ng Kuwait Airways 417 mula Beirut.

Sinalubong ang mga ito nina DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac, Health Secretary Teodoro Herbosa, OWWA Deputy Administrator Mary Melanie Quiño, Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, Social Welfare and Development Assistant Secretary Irene Dumlao, at OWWA Planning Director Jocelyn Ortega.

Ang batch ay isa sa pinakamalaking grupo na tinulungan ng DMW sa pamamagitan ng voluntary repatriation magmula nang sumiklab ang bakbakan sa Middle Eastern country noong late 2023.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 525 OFWs at 30 dependents ang napauwi ng pamahalaan sa bansa.

Patuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng OWWA at iba pang ahensiya ng gobyerno sa mga naapektuhang OFWs, kabilang na rito ang tulong pinansiyal, transportasyon, at pagkain. FROILAN MORALLOS