AABOT pa sa 45 Pilipino mula sa Ukraine ang nakatakdang umuwi sa Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation flights.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac, kalahati sa mga ito ay mapapauwi sa tulong ng gobyerno, habang kalahati ang bumili ng kanilang sariling tickets.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng OWWA sa ilang ahensiya at opisina para sa pagpapauwi ng mga Pilipino.
Hanggang nitong Marso 14, nasa 54 na Pilipino na ang napauwi sa Pilipinas mula sa Ukraine sa gitna ng kaguluhan doon. DWIZ882