450 PUNO ITATANIM SA IKA-450 TAONG ARAW NG PASIG

SISIMULAN ngayong araw ang pagdiriwang ng ika-450 taon ng Araw ng Pasigueño sa isang Thanksgiving Mass sa Cathedral of the Immaculate Conception Pasig na pangungunahan ni Bishop Mylo Hubert Vergara.

Ang Jubilee door ay magbubukas para sa milestone ng taon na ito bilang selebrasyon na tututuon sa isang programa na tinatawag na “Gabi ng Pasasalamat” kung saan ang highlight ng nasabing programa ang anunsyo ni Mayor Vico Sotto sa big-ticket infrastructure project na kabilang sa Pasig City Hall.

Sa nasabing programa ang pagbabalik-tanaw sa mga aktibidad ng Araw ng Pasig sa loob ng isang Linggo, kung saan itatanghal ang Beauty of Pasig winners kasama ang tatanggap ng kauna-unahang Pasig Pride Awards at pagbabalik ng Gawad Parangal sa Natatanging Pasigueño.

Ngayong araw rin malalaman ang nanalo sa dalawang araw na Indak ng Pasig Inter-Barangay Dance Contest.

Magtatanghal sina Ace Banzuelo, Boobay, Abra, Itchyworms at Bamboo sa isang malakas na line-up ng mga artista, parehong lokal at mainstream.

Kasabay ng engrandeng selebrasyon, ang pagtatanim ng 450 puno na gaganapin sa Maybunga Rainforest Park.

Maraming aktibidad ang nakahanay, na nakatuon sa programa sa pabahay ng Pamahalaang Lungsod, digitalization upang gawing streamlined at mas mahusay ang mga serbisyo at proseso nito at mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.
ELMA MORALES