INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat pa sa 1,293,687 ang nationwide tally ng COVID-19 cases sa bansa.
Ito’y matapos na makapagtala pa sila ng 7,485 bagong coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections hanggang alas-4 ng hapon nitong Huwebes.
Batay sa inisyung case bulletin ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso, pumalo rin ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa sa 56,921.
Kabilang dito ang 92.6% na mild cases, 3.2% na asymptomatic, 1.7% na severe, at 1.3% na nasa critical condition.
Samantala, inianunsiyo rin ng DOH na nakapagtala pa sila ng panibagong 4,504 pasyente na gumaling sa sakit, kaya’t ang total COVID-19 recoveries sa bansa ay nasa 1,214,454 na ngayon.
Mayroon namang 122 na bagong namatay dahil sa virus, kaya’t ang death toll ng COVID-19 ay nasa 22,312 na.
Ayon sa DOH, mayroon silang 15 duplicate cases na inalis mula sa total case count.
Mayroon ding 65 kaso na dating tinukoy bilang recoveries, ngunit malaunan ay ni-reclassify bilang deaths sa isinagawang pinal na balidasyon ng DOH.
Base pa rin sa datos ng DOH, nasa 57% ng intensive care unit (ICU) beds sa bansa ang occupied habang 36% naman ng mga mechanical ventilators ang ginagamit pa.
Sa National Capital Region (NCR), 49% ng ICU beds ang ginagamit pa ng mga pasyente, gayundin ang 34% mechanical ventilators. Ana Rosario Hernandez
499841 705315But wanna comment on few general things, The website style is perfect, the content material material is really excellent : D. 289183
85103 10694A really fascinating read, I might nicely not agree entirely, but you do make some quite legitimate factors. 722222
869987 328443You will find some fascinating points in time in this post but I do not know if I see all of them center to heart. Theres some validity but I will take hold opinion until I appear into it further. Fantastic post , thanks and we want much far more! Added to FeedBurner too 702354