PUMALO na sa 453,000 na ilegal na paputok ang nakumpiska ng pulisya sa Quezon City mula Disyembre1 hanggang Disyembre 21.
Habang sa datos ng Quezon City Police District (QCPD), isa na ang naitalang kaso ng firecracker related injury.
Nauna rito, inilabas na ng PNP ang listahan ng mga illegal firecrackers na umabot na sa 28 kabilang ang pinakabago na Goodbye Tsismosa.
Magpapakalat naman ng mahigit 10,000 pulis sa Metro Manila ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para siguruhin ang maayos na pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na paputok.
Kaugnay nito, handa ang Department of Health (DOH) na tutukan at magbigay ng babala laban sa paputok at ang pagsisiguro ng mga magulang na hindi hahawak ng paputok ang mga bata.
Makikipag-ugnayan din ang DOH sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para tiyakin na maipatutupad ang firecracker ban at community fireworks display zone.
EUNICE CELARIO