LABIS ang kasiyahan ng mahigit sa 400 magsasaka sa Capiz nang kanilang matanggap ang 549 Emancipation Patents (EPs) at Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) para sa kanil-ang sinasakahang lupa.
Bukod sa EPs at CLOA ay nakatanggap din ng dump truck at tractor ang mga magsasaka sa ilalim ng Agrarian Reform Com-munity Economic Support Services sa tulong na rin ni Presidente Rodrigo Duterte.
Nabatid na umaabot sa 457 ang mga benepisyaryo ng nasabing programa.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, naniniwala siya na mga tunay na bayani ang mga magsasaka kaya na-rarapat lamang na mabigyan sila ng naturang mga benepisyo.
Labis naman ang pasasalamat ng mga ito kay Pangulong Duterte dahil sa pagbibigay halaga sa kanilang hanay.
Samantala, itinuturing na utang na loob ng mga magsasaka ang pagbibigay sa kanila ng titulo ng lupa na pinakaunang ayuda na natanggap mula sa gobyerno. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.