457 PSPG MEMBERS BINAWI SA ASSIGNMENT

PULIS-10

BACK to barracks ang 457 miyembro ng Philippine National Police-Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) na naka-assign sa iba’t ibang civilians at government officials sa buong bansa.

Epektibo ang pagbawi sa mga PSPG sa kanilang ineeskortan noong Enero 13,  kung kailan nagsimula ang election period.

Ang nasabing numero ng  457 police officers ay naka-detail sa VIP habang ang 224 ay mula sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni PSPG director Chief Supt. Filmore Escobal, na lahat ng security details ay ni-recall kasama ang naka-deploy sa  10 very important personalities (VIP) bilang pagtugon sa Commission on Elections (Comelec) Resolution 10446 or Guidelines on Poll Ban Exemption.

“‘Yung 10 personalities, ‘yung President, Vice President, Senate President, Speaker of the House, Secretary ng DILG, Secretary of National Defense, chairman and commissioner ng Comelec at Chief of Staff ng AFP at Service Commander, Director General ng PNP at officers ng PNP. ‘Yung AFP, tulad ng service commanders ng AFP, sila ang magpo-provide doon,” ayon kay Escobal.

Gayunman, ang mga senador ay pinayagan na panatilihin ang kanilang police escort para sa kanilang security subalit kailangan na sumulat sila sa PSPG.

Escobal said as of this time, there were 51 VIPs, both politicians and private individuals, who applied for exemption.

Sa datos ng PSPG,  mayroong naka-detail sa 51 VIPs, mga politiko at private indivuals na nag-apply sa exemption at kapag naaprubahan, saka sila bibigyan ng escort.

Ang mga pulis na nai-recall ay isasailalim sa refresher course habang naghihintay ng bagong assignment.

Paglilinaw naman ni Escobal na ang mga binawian ng escort ay binigyan ng bagong security.   EUNICE C.