PATULOY ang pagbaba ng aktibong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ng 4,575 bagong kaso.
Sa 3,627,575 na confirmed cases ng COVID-19 sa bansa, 93,307 o 2.6 porsiyento ang aktibong kaso, base sa huling datos ng Department of Health (DOH) Huwebes ng hapon, Pebrero 10.
3,316 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 85,244 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,991 ang moderate, 1,444 ang severe, habang 312 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 94 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 54,783 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 7,504 ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,479,485 o 95.9 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.