PALAWAN- UMAABOT sa kabuuang bilang 459 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) ang inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa sa lalawigang ito.
Sa, ulat ng BuCor, ligtas na naihatid ang 459 PDLs sa Iwahig maliban sa isang presong na-diagnose ng hypokalemia o low potassium levels sa dugo na isinakay sa ambulansya.
Dinala nito ang kabuuang 1,254 ng PDLs na inilipat ng BuCor sa ibang operating prisons mula nitong Enero .
“The transfer of PDLs outside of Metro Manila is a stopgap measure in alleviating overcrowding in the NBP while awaiting budget for the construction of regional correction facilities as part of its medium and long term development and modernization plan,” pahayag ng BuCor.
Base sa datos ng BuCor, ang average annual number ng ina-admit na PDLs ay 7,823na mas mataas kumpara sa average annual number ng pinalalaya sa 5,327.
“Under these conditions, the PDL population will continue to grow at steady rates making regionalization the most potent solution,” wika ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr.
Samantala, 11,347 PDLs ang pinalaya sa ilalim ng “Bilis Laya” Program mula June 2022 hanggang January 2024, habang 36,044 PDL prison records ang naipadala na sa Board of Pardons and Parole para sa ebalwasyon, deliberasyon, at resolusyon.
Inihayag pa ni Catapang na matapos ang isinagawang pagpu- pulong ng Management screening and Evaluation Committee ng BuCor, mas maraming PDLs ang palalayain matapos ang pagbusisi sa kanilang Good Conduct Time Allowance.
EVELYN GARCIA