45K PAMILYA SA MARIKINA AT SAN MATEO INAYUDAHAN

CASH AID-2

UMABOT sa 45,000 pamilya mula Marikina at San Mateo ang nakatanggap ng ayuda para sa panahon ng kalamidad at pandemya.

Ang bawat residente ay tumanggap ng halagang P15K para  sa  may dalawang  miyembro ng pamilya, P20K sa  3 hanggang 4 na miyembro  at P25K sa may 5 hangang 6 na miyembro ng pamilya mula sa Tzu Chi Foundation  na pinumunuan ni Master Cheng Yen sa pakikipag-ugna­yan kay Mayor Marcy Teodoro ng Marikina City.

Nabatid na siyam na  bangko ng BDO at Metrobank ang pinilahan ng mga residente ng  Malanday, Balubad Tumana, Nangka  kasama ang San Mateo at iba pang lugar na pawang sinalanta ng bagyong Ulyses.

Dahil tulong na ipinagkaloob sa mga pamilya na sinalanta ng bagyo, masayang pasko pa rin ang kanilang sasalubungin.

Kaya’t buong pusong nagpapasalamat ang ipinaabot ng mga mamamayan ng Marikina at San mateo sa Tzu Chi Foundation. ELMA MORALES

Comments are closed.