46 IMMIGRATION STAFF, COVID POSITIVE

Commissioner Jaime Morente-6

PORMAL na inanunsiyo ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na 46 sa kanilang mga empleyado ay nahawaan at nagpositibo sa COVID 19.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente  nasa 46 na kanilang empleyado ang infected ng virus, 9 sa kanila ay nakarekober na habang ang 37 ay nasa loob ng isang government  quarantine facilities.

“The good news is that, so far, none of our employees have succumbed to the virus,” ayon kay Morente  “We are doing our best in seeing to it that health protocols aimed at preventing the spread of the virus are strictly observed in our offices and workplaces.”

Dagdag pa nito na ang nag-iisang empleyado nila na kumpirmadong COVID 19 infection ay kasalukuyang naka-confine at nagpapagaling sa isang ospital.

Ayon pa kay Morente, kalahati sa nahawaan ng virus ay pawang naka-assigned sa kanilang punong tanggapan sa Intramuros, Manila habang ang iba ay naka-station sa iba’t-ibang lugar kagaya ng international airports sa Pasay at  Cebu, at sa kanilang satellite at  extension offices sa  Metro Manila, at iba pa.

Sinabi pa ni Morente na may 93 suspected COVID-19 cases sa kagawaran pero kalahati sa kanila ay na-clear na  at nag-negatibo matapos na sumailalim sa home quarantine.

“We are one of the few government agencies whose personnel render frontline services, not only in our offices, but in the ports of entry as well.  It is unavoidable that some of our employees do come in contact or are exposed to persons who are carriers of this virus,” ayon kay Morente kaya hindi na dapat magtaka ang publiko kung bakit marami sa kanilang empelyado ang nahahawaan. (PAUL ROLDAN)

Comments are closed.