INIREKOMENDA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gawing vaccination site ang 46 military camps at treatment facilities.
Ayon kay Major General Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP at kasalukuyang commander ng AFP Education, Training and Doctrine Command na layong nito na suportahan ang kampanya ng pamahalaan sa COVID-19.
“Out of that number, 30 are already DOH-accredited and hence can be used as vaccine sites. The remaining 16 is subject to DOH inspection and, when they passed, subsequent accreditation,” ani Arevalo.
Ani Arevalo, mas ideal na gawing na vaccination site ang military facilities dahil sa accessibility at security consideration nito.
Kaugnay naman sa nakatakdang rollout ng COVID-19 vaccines, may tatlong support roles na pinaghahandaan ang AFP, una rito ang security support operation bilang ayuda rin sa Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay seguridad at pangangalaga sa pagdating ng bakuna, paghahatid sa storage facilities at delivery sa mga vaccine site at actual na vaccination process.
Bukod dito, pinaghahandaan din ng AFP ang medical support operations, sakaling mangangailangan ang Department of Health (DOH) at iba pang ahensiya ng pamahalaan partikular sa LGUs na mangangailangan ng additional medical health practitioners na tutulong sa aktuwal na pagbabakuna kung saan ipapahiram nila ang mga doktor, nurses at iba pang mga health practioners.
At ang ikatlo ang logistical support operations para pangangalagaan ang vaccine carriers, containers na kayang imintina ang kinakailangang lamig o temperatura upang hindi masira ang mga bakuna.
Gayundin, inihanda rin ng AFP ang pagpapagamit ng bagong biling Blackhawk combat utility choppers para sa paghahatid ng mga bakuna sa mga malalayong lalawigan.VERLIN RUIZ
Comments are closed.