$460-M KITA NG PH SA CHINA EXPO

CHINA EXPO

UMABOT sa mahigit $460 milyon ang kinita ng Filipinas sa pagdaraos ng China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, China noong Nobyembre 2020.

Napag-alamang ang Filipinas  ang kauna-unahang bansa sa Asya na nakapag-export ng avocados sa China.

Bukod pa rito, patuloy rin ang paglago ng kita sa nakalipas na apat na taon ng mga Filipino farmer sa pamamagitan ng pag-export ng saging, mangga, niyog at iba pa para makaabot sa tinatayang 1.4 bilyong Chinese customers.

Samantala, malapit nang matapos ang dalawang tulay na donasyon ng pamahalaang China sa bansa.

Ito ang ipinabatid ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar na aniya’y nasa 72 porsiyento nang tapos ang Estrella-Pantaleon bridge project o mas kilala bilang Rockwell bridge na nag-uugnay sa Makati at Mandaluyong City habang nasa 45 porsiyento naman nang naisasaayos ang Binondo-Intramuros bridge.

Aniya, 25 porsiyento ng mga manggagawa sa Estrella-Pantaleon project ay mga Chinese habang 75 porsiyento naman ang mga Filipino kung saan patuloy ang pagdadagdag ng mga kuwalipikadong local workers.

Napag-alamang karamihan sa mga tumutulong na manggagawang Chinese ay program managers, engineers at technicians na eksperto sa pagtatayo ng matitibay na tulay kung kaya napili ang mga ito para makatulong sa konstruksyon. May work permits din ang mga ito mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.