UMABOT na sa 47.86 milyong katao ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Inihayag ni Cabinet Secretary at acting Presidential spokesman Karlo Nograles, nangangahulugan ito ng 62.05 porsiyento sa target population na babakunahan.
Nasa 60.81 milyong katao naman ang nakatanggap ng first dose.
Nangangahulugan ito ng 78.83 porsiyento sa target population.
Sa ngayon, nasa 202 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.
Sa naturang bilang, 106 milyon na ang na-administer.
Tiniyak na sapat ang suplay ng bakuna para mabakunahan ang 100 milyon na populasyon sa Pilipinas. EQ