47 ARESTADO SA LIQUOR BAN SA NORTHERN MANILA

LIQUOR BAN

UMAABOT sa 47 indibidwal na lumabag sa liquor ban kabilang ang nahulihan ng baril sa Caloocan, Navotas at Valenzuela noong Linggo ng gabi.

Ayon kay Ca­loocan police chief P/Col. Restituto Arcanghel, sa isinagawang police visibility at pagpapatrolya ng pulisya kasabay ng ipinatupad na liquor ban na nagresulta sa pagkakaaresto kay Tomas Laureta at narekober sa kanya ang cal. 45 pistola sa T.E Village sa Brgy 185.

Limang indibidwal kabilang ang dalawang menor de edad ang ares­tado sa Bagong Barrio, Brgy. 151 at sa Brgy. 177, Camarin na naaktuhang nag-iinuman sa kalsada.

Sa Navotas City, sinabi ni P/Col. Rolando Balasabas na siyam katao ang naaresto sa Oplan-Galugad habang nag-iinuman sa Brgy. Daanghari at Brgy. ­Tangos habang pito pang indibidwal ang nadakip naman sa Bagong Kalsada St., sa Brgy. San Jose.

Ayon pay kay Col. Balasabas, ala-1 ng madaling araw nang unang maaresto ang walong indibidwal sa Apahap St., sa Brgy. NBBS-Kaunla­ran habang nasa kalagitnaan ng kanilang inuman at tatlo pang indibidwal na nadakip naman sa Babanse St., Brgy. NBBS na nagtatagayan sa kalsada.

Sa Brgy. Tanza at Brgy. Tangos North, Navotas Police Community Precinct (PCP) 2, limang indibidwal din ang arestado sa paglabag sa liquor ban alas-10:30 ng gabi habang ang apat na iba pa ay natimbog sa 2nd floor pathway ng Building 3 Socialized Housing, Sampaguita S., Brgy. Tanza 2.

Sa Valenzuela City, sinabi ni P/Col. David Nicolas Poklay, apat katao ang arestado sa Brgy. Gen. T. Road at San Gregorio St. sa isinagawang Comelec checkpoint sa kahabaan ng Gen. T. De Leon road alas-10:00 ng gabi. EVELYN GARCIA/VICK TANES

Comments are closed.