47 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA SA CALABARZON

NASA 47 bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag kahapon kung kaya’t umabot na sa 527,858 ang kabuuan bilang ng nasabing sakit sa buong CALABARZON.

Sa nasabing bilang, 1,771 ang active cases habang 512,314 naman ang mga gumaling at 13,773 na ang namatay.

Sa kasalukuyan ay mas lalong palalakasin ang laban sa nasabing virus sa pamamagitan ng katagang “BIDA”.

Ang letrang B ay tumatayong Best fit na mask, suotin sa lahat ng oras habang ang I naman ay Iwasang makihalubilo kung masama ang pakiramdam.

Samantala, ang letrang D ay Doblehin ang proteksyon sa tulong ng bakuna (Primary Series + Booster) at ang letrang A ay Airflow ay panatilihin sa lahat ng lugar.

Kaya’t panawagan ng DOH-CALABARZON ay sama-sama makiisa sa laban! Maging #BIDA tungo sa new mormal at huwag kalimutan ang patuloy na pagsunod sa Minimum Public Health Standards. MHAR BASCO