47-M TOTAL RIDERSHIP SA EDSA BUSWAY SA 2021

Transportation Secretary Arthur Tugade

UMABOT sa 47,104,197 ang total ridership ng EDSA Busway sa taong 2021.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr),  nasa 129,000 ang average ridership ng naturang median bus lane service kada araw.

Sa datos ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB), nakapagtala ang EDSA Carousel ng tinatayang  dalawang milyong commuter sa unang tatlong buwan ng 2021, habang 1.6 milyon ang naitala noong Abril nang isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Umakyat pa sa 2.6 milyong commuters ang naitalang ridership noong Mayo

Nang mahinto ang Phase 1 ng Service Contracting Program noong Hunyo 30, 2021, umabot sa 4.6 milyon ang ridership ng EDSA Busway.

Para sa buwan ng Hulyo, nasa 3.6 milyon ang ridership, 2.2 milyon noong Agosto, at 3.8 mil­yon noong Setyembre.

Dumoble pa ang bilang ng commuters na sumasakay sa huling tatlong buwan ng 2021; 6.4 milyon noong Oktubre, 7.4 milyon noong Nobyembre, at 7.6 milyon noong Disyembre.

“Masaya kami na marami ang nakinabang at patuloy na nakikinabang sa EDSA Busway lalo na ngayong panahon ng pandemya. Para ito sa tao. Kung may episyente at organisadong sistema sa daan at kakambal nito ‘yung bawas pasanin sa pamasahe, hindi ‘ho ba’t malaking ginhawa ‘yan sa ating mga kababayan?” ani DOTr Secretary Art Tugade.