TINATAYANG nasa 47 Philippine offshore gaming operators (POGO) ang patuloy pa rin ang operasyon sa bansa, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Sinabi ni Remulla na sisimulan ng DILG ang pagbisita sa Disyembre 15 upang matukoy kung unti-unti nang itinitigil ng natitirang aktibong POGO firms ang operasyon ng mga ito.
“They should show that they are winding down their operations. We are also accounting the visas of foreign workers, mostly Chinese nationals,” pahayag niya sa isang panayam “These two are interconnected. Once POGOs cease operations, they should leave the country because they do not have a valid working visa anymore.”
Nauna nang nangako ni Remulla na personal na bubuwagin lahat ng POGOs sa Disyembre.
“We are mounting guerrilla operations because some Filipinos have learned to set up their own POGO firms. These are smaller in scale. But one thing is clear, if you have a POGO license, you should wind down operations by Dec. 15 and by Dec. 31, you must close shop,” dagdag ng opisyal.
Noong nakaraang buwan, ipinalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order 74, na nag-uutos ng agarang pagbabawal sa POGOs, internet gaming, at iba pang offshore gaming operations.
Samantala, na-deport na ng national government ang halos 190 foreign workers ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa patuloy na operasyon ng mga awtoridad sa gitna ng kautusan ni Pangulong Marcos na ipagbawal ito.
Kabilang sa mga na-deport ang mga Chinese na nadakip sa mga raid sa Pasay City, Cebu, Tarlac at Pampanga.
Inihatid ng mga opisyal mula sa Bureau of Immigration at sa Presidential Anti-Organized Crime Commission ang mga dayuhang POGO workers sa Ninoy Aquino International Airport.
EVELYN GARCIA