NAGSIMULA na kahapon ang taunang Christmas shoe bazaar na proyekto ng Marikina City local government unit (LGU).
Libreng renta sa nasabing pwesto ang 47 manggagawa ng sapatos, bags, at iba pang leather goods para sa pagsali sa shoe bazaa.
Kasabay rin ng nasabing shoe bazaar ang banchetto o pagtitinda ng kilalang street foods, local food delicacies and snacks at ilang sikat na pagkain mula sa ibang lugar na matatagpuan sa Freedom Park, harap ng Marikina City Hall.
Layunin ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, katuwang si Marikina First District Rep. Marjorie Ann “Maan” Teodoro na buhayin ang taunan at nakasanayang shoe bazaar para mapalakas ang industriya ng pagsasapatos at mabigyan ng kabuhayan ang mga manggagawa.
Ipinaliwanag ni Mayor Marcy ang kahalagahan ng pagbibigay ng magagandang klase ng sapatos na maaaring maipagmalaki mula sa likha ng mga master craftsmen and shoemakers ng Marikina. ELMA MORALES