HUMIGIT-kumulang aabot sa P300,000 ang natagpuan ng isang empleyado ng isang fast food chain sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may 47 pirasong tig-isang daang US Dollars.
Nabatid na maaring aksidenteng nahulog ito ng may-ari sa food court habang nagbabayad ng binili nito sa loob ng NAIA terminal 1 pre-departure area.
Ang nasabing dolyares ay nakita ng supervisor ng Food Market habang nag-aayos sa gilid ng computer sa may cashier.
Ayon sa report, ipinarating ng food market supervisor sa Manila International Airport Authority (MIAA) police, ang naturang US dollars na nakalagay sa isang white envelope.
Nabatid sa pamamagitan ng CCTV ng may-ari ng tindahan na isang naka-jacket ng itim ang pinaniniwalaang nagmamay-ari ng nasabing pera na kung saan ay kitang-kita sa CCTV na nahulog ang puting envelope habang kumukuha ng pera sa kanyang shoulder bag.
Agad namang isinurender ng food market supervisor ang nasabing foreign currency sa Lost and Found section ng airport Police habang inaantay ang may-ari .
Hinihinala ng airport police na isang pasahero patungong Taiwan ang nakaiwan ng perang ito at nakatakdang suriin ng airport police ang iba pang mga CCTV upang matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari upang agad na maabisuhan at maibalik sa lalong madaling panahon ang naturang halaga. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.