(470k campaign materials inalis) PULIS SUGATAN SA OPLAN BAKLAS

campaign materials

ISANG miyembro ng Philippine National Police ang nasaktan sa isinagawang NCRPO Oplan: Baklas  na nagsimula nitong Abril at nagtapos kahapon ng umaga Mayo 11, 2019 o dalawang araw bago idaos ang Midterm election.

Ayon kay PNP National Capital Region Police Office Director  Major General Guillermo Eleazar, umaabot sa 470,806 election materials ang kanilang binaklas na nakalagay sa mga bawal o hindi sa itinalagang common poster areas ng Commission on election.

Nabatid na pinakamaraming kandidato o political supporters ang nagkabit ng kanilang mga campaign poster  sa area ng Quezon City Police District    habang pinakakaunti naman sa Northern Police District.

Sa datos ng PNP-NCRPO umaabot sa 470,806 ang kanilang nabaklas, 25,660 dito ay sa EPD; 16,862 sa area ng Southern Police District, 8,705 sa Manila Police Distrist at 2,721 naman sa NPD samantalang ang pinakamaraming campaign poster na inalis ng NCRPO ay sa QCPD na umaabot sa 423,875.

Sinasabing umabot sa  4,470 opisyal at mga tauhan ng PNP-NCRPO ang minobilisa para maisa­gawa ang Oplan Baklas

Samantala, kinilala naman ang nasaktang pulis na si P/Cpl Mamerto DC Boquiren Jr ng Kamuning Police Station 10 QCPD nang mahulog ito sa hagdan habang nagbabaklas sa Scout Torillo St., cor Scout De Guia St., Brgy. Sacred Heart, ­Quezon City. VERLIN RUIZ

Comments are closed.