4,786 NADAGDAG SA COVID-19 CASES

DOH

NADAGDAGAN ng 4,786 ang  bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes,  Agosto 21, umabot na sa 182,365 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa. 64,906 dito ang aktibong kaso.

Ayon sa  DOH, 91.5 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.5 porsiyento ang asymptomatic; 0.8 porsyento ang severe habang 1.2 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha ang mga datos sa 103 mula sa  109 licensed laboratories.

Nasa 59 naman ang napaulat na dagdag na nasawi kaya umakyat na sa 2,940 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 616 ang gumaling  kaya umak­yat na sa 114,519 ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.