(48 barangays sapol) PNP HANDA SA GRANULAR LOCKDOWN PROTOCOLS

NAKAHANDA ang Philippine National Police (PNP) sa anomang ilalatag na guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) sakaling epektibo na ang pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila na magsisimula sa Setyembre 8 kapag nagwakas ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Setyembre 7.

Sa datos ng PNP, 48 barangay sa Metro Manila ang puntirya ng granular lockdown kung saan ang pinakamaraming apektadong barangay ay ang Quezon City, mayroong 36 barangay; pangalawa ang Northern Manila, 7 barangay; at pangatlo ang Southern Manila na 5 barangay, habang libre sa lockdown ang Eastern Manila at Maynila.

Sinabi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na ngayon ay naghihintay pa sila ng magiging guidelines ng IATF sa pagpapatupad ng granular lockdown kaya hindi pa nito masabi kung anong paglalatag naman ang gagawin ng pulisya.

Aniya, magkakaroon pa ng pulong ang Metro Manila mayors at kung ano ang magiging desisyon ng mga ito ay irerekomenda pa sa IATF para sa implementasyon kasabay ng panuntunan na gagawin.

Subalit, habang naghihintay ang PNP ay handa na sila sa paglalatag ng seguridad at panuntunan dahil mabilis naman mag-adjust depende sa hinihingi ng pagkakataon.

“We have been monitoring itong possible na magbabago ng implementation ng ating lockdown kasi magkakaroon ng granular lockdown and kagaya niyo, kami rin po sa PNP ay nag-aabang nitong mga ito.

Bandang huli kasi hindi puwedeng kami ay tutulog-tulog kasi kami ang mag-iimplement (health protocols) niyan eh kaya lang wala pa naman kaming detalye na nakukuha pero habang wala naghahanda na rin kami,” ayon kay Eleazar.

Dagdag pa ng PNP Chief na hindi na bago sa kanilang ang pagpapatupad ng minimum public health standard dahil noon pa nila ito ginagawa lalo na’t naging komander siya ng Joint Task Force Covid Shield.

Alinsunod sa IATF guidelines, ang granular lockdown ay pagsasara sa bahagi ng barangay, maaaring compound o kalsada na may naitalang mataas na kaso ng COVID-19 at hindi pagsasara ng buong barangay. EUNICE CELARIO

97 thoughts on “(48 barangays sapol) PNP HANDA SA GRANULAR LOCKDOWN PROTOCOLS”

  1. Pingback: 3transcend
  2. Everything about medicine. drug information and news for professionals and consumers.
    stromectol usa
    Everything what you want to know about pills. Commonly Used Drugs Charts.

  3. Everything about medicine. Everything information about medication.
    https://finasteridest.com/ where can i get cheap propecia pills
    What side effects can this medication cause? Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  4. Everything about medicine. Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    buy zithromax
    What side effects can this medication cause? All trends of medicament.

  5. drug information and news for professionals and consumers. Actual trends of drug. https://amoxicillins.com/ can we buy amoxcillin 500mg on ebay without prescription
    Medicament prescribing information. Read information now.

  6. Get warning information here. Definitive journal of drugs and therapeutics.
    zithromax 500mg
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Commonly Used Drugs Charts.

  7. earch our drug database. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    cialis shop
    Read information now. drug information and news for professionals and consumers.

  8. Get warning information here. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    tadalafil best price uk
    drug information and news for professionals and consumers. safe and effective drugs are available.

Comments are closed.