NASA 48 NBA players ang nagpositibo sa COVID-19 sa pagbabalik ng mga player sa home markets ng kanilang mga koponan para sa pagsisimula ng 2020-21 season sa Disyembre 22, ayon sa liga.
Sinabi ng NBA na 546 players ang isinailalim sa test bilang bahagi ng ‘initial return-to-market testing phase’ nito na nagsimula noong Nob. 24 hanggang Nob. 30. Ang mga nagpositibo ay inilagay sa isolation hanggang ma-clear sa ilalim ng league rules.
Maliban sa Toronto Raptors, ang mga koponan ay maglalaro sa kanilang home markets ngayong season, kung saan ang individual player workouts ay magsisimula ngayong linggo at ang group workouts sa Linggo.
Sisimulan ng Raptors, ang tanging Canadian team sa liga, ang kanilang season sa Tampa, Florida, dahll sa mahigpit na international travel restrictions, sa harap ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa United States.
Comments are closed.