TUMAAS pa ang foreign direct investments (FDI) noong Hunyo sa gitna ng pagluwag ng lockdown restrictions sa naturang panahon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang FDI ay ang investments na isinagawa ng mga dayuhang kompanya o indibidwal sa Filipinas
Sa datos ng BSP, ang FDI ay nagtala ng net inflow na $481 million, mas mataas ng 7.1% mula sa $449 million sa kaparehong panahon noong 2019.
“This positive development was underpinned by the gradual reopening of advanced economies with investment interest in the Philippines, and the country’s sustained strong macroeconomic fundamentals, despite the COVID-19 pandemic,” ayon sa BSP.
Ang 7.1% net FDI inflows increase noong Hunyo ay nagpababa pa sa cumulative contraction sa 18.3% mula Enero hanggang Hunyo sa $3 billion mu-la $3.7 billion year-on-year.
Ayon pa sa BSP, ang net equity capital investments ay lumaki sa $173 million noong Hunyo mula sa il$29 million year-on-year, sa likod ng 137.6% increase sa equity capital placements sa $185 million mula $78 million at pagbaba sa withdrawals ng 74.9% sa $12 million mula $49 million).
Karamihan sa equity capital placements para sa nasabing buwan ay nagmula sa Japan, United Kingdom at United States.
Ang mga placements na ito ay inilagak sa manufacturing, human health at social work, financial at insurance, at real estate industries.
Sa unang anim na buwan ng taon, ang pagtaas ng FDI ay pinangunahan ng net investments sa equity capital, na nagtala ng paglago ng 146.8% sa $910 million mula sa 117.1% cumulative growth noong end-May.
“The favorable performance in net investments in equity capital was attributed to the combined effects of an expansion in equity placements of 16.6% to $1 billion (from $881 million), and a contraction in withdrawals of 77.1% to $117 million (from US$512 million),” sabi pa ng BSP.
Comments are closed.