BINUKSAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 44 pang ruta at pinayagan ang 4,820 pang public utility jeepney (PUJ) units na muling pumasada sa Metro Manila.
Sa isang statement, sinabi ng LTFRB na may kabuuang 27,016 traditional PUJs ang maaari na ngayong bumiyahe sa 302 ruta sa Metro Manila, na nananatiling nasa ilallm ng general community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ang pagbubukas ng mga bagong ruta ay nakapaloob sa Memorandum Circular 2020-058 na inisyu noong Sabado.
Ayon sa LTFRB, ang mga sumusunod ay ang kabuuang bilang ng operating routes at units para sa ilang moda ng public transportation sa Metro Manila: traditional public utility jeepney (PUJ) – 302 routes na may 27,016 units; modern PUJ – 48 routes na may 845 units; public utility bus (PUB) – 34 routes na may 4,016 units; point-to-point bus – 34 routes na may 387 units; UV Express – 76 routes na may 3,263 units; taxi – 20,927 units; transport network vehicles services (TNVS) – 24,356 units; provincial public utility bus (PUB) – 12 routes na mah 286 units; at modern UV Express – 2 routes na may 40 units.
Comments are closed.