NASA 483 ang bagong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpositibo sa COVID-19.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), hanggang Abril 8 ay umabot na sa 17,064 ang mga kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 na Filipino mula sa 91 na bansa at rehiyon.
Kasabay nito, patuloy na nagpapagamot ang 5,921 na mga OFW sa ospital habang pito naman ang bagong gumaling o na-discharge na.
Gayundin, may pito pang bagong napaulat na nasawi kung kaya’t nasa 1,066 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OFW sa bahagi ng Middle East/Africa na may 9,529 na kaso.
Sumunod dito, ang Europa na may 3,289 confirmed COVID-19 positive cases. LIZA SORIANO
299800 13828I visited lots of website but I conceive this 1 holds something particular in it in it 908657