$484-M LOANS, GRANTS SA PH

Asian Development Bank

APRUBADO na sa Asian Development Bank (ADB) ang kabuuang $484.3 million  loans at grants para sa Filipinas hanggang noong Agosto ng kasalukuyang taon.

Sa datos mula sa ADB website, ang halaga ay para sa apat na Philippine-specific projects, ang pinakamalaki ay ang Expanding Private Participation in Infrastructure Program, Subprogram 2 na inaprubahan noong nakaraang Agosto 17.

Ang proyekto ay po­pondohan ng $300 milyong halaga ng loan mula sa Ordinary Capital Resources (OCR) ng ADB at ng $179 million loan mula sa Agence Francaise de Developpement o French Development Agency (AFD).

“Subprogram 2 now focuses on consolidating PPP (Public Private Partnership) reforms to stimulate and facilitate the development of the Philippines’ PPP market and to ensure the earlier reforms are successfully implemented,” ayon sa ADB.

Ang proyekto na hindi pa itinuturing na ‘active’ ng ADB, ay naglalayong mapalakas ang government financial support sa PPPs; mapalawak at epektibong maipatupad ang pipeline ng PPP projects; at mapalakas ang legal at regulatory frameworks para sa PPPs.

Bukod sa nasabing proyekto, inaprubahan din ng ADB ang technical assistance financing na nagkakahalaga ng tig-$2 million sa Railway Project Implementation Support and Institutional Strengthening at sa Philippine National Oil Company (PNOC) Batangas Liquefied Natural Gas Project.

Ang $2 million technical assistance financing para sa  Railway Project Implementation Support and Institutional Strengthening project ay kukunin sa Japan Fund for Poverty Reduction, na ipinagkakaloob ng ADB.

Ang proyekto ay hindi pa kinokonsiderang ‘active’ o ‘ongoing’ ng ADB dahil inaprubahan lamang ito noong nakaraang Agosto 22.

“The project will support the construction of the 51-kilometer (km) section of a new railway line connecting Metro Manila and the regional center in Clark and the Clark International Airport, located in the Central Luzon Region, around 100 km north of Manila,” dagdag ng ADB.  CAI ORDINARIO

Comments are closed.