$486-M NET ‘HOT MONEY’ OUTFLOW NAITALA NOONG ENERO

BSP-11

NAGTALA ang foreign portfolio investment ng net outflows na $486 million para sa Enero 2020 na resulta ng $1.7 billion outflows at $1.2 billion inflows para sa naturang buwan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Mas mataas ito kumpara sa naitalang net outflows noong Disyembre 2019 na $321 million.

Ang foreign portfolio investment ay tinatawag ding ‘hot money’ dahil sa kaluwagan ng pagpasok at paglabas ng pondo sa merkado.

Ayon sa BSP, ang pagtaas ng outflow ay maaaring bunga ng tensiyon sa pagitan ng US at Iran, trade negotiations sa pagitan ng US at China, pagrebisa sa mga kontrata ng water concessionaries at ‘investor concerns’ sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.

Sa datos ng central bank, ang $1.2 billion na naitalang investments noong Enero ay nagpapakita ng 10.9 percent pagtaas mula sa US$1.1 billion noong Disyembre 2019.

Nasa 65.9 percent ng investments na naitala noong Enero ay sa Philippine Stock Exchange-listed securities, kabilang ang property companies, holding firms, banks, food, beverage and tobacco firms, at telecommunication companies.

Ang nalalabing 34.1 percent ay napunta sa investments sa peso-denominated government securities.

Ang United Kingdom, United States, Singapore, Luxembourg, at Hong Kong ang top five investor countries para sa buwan, na may combined share na 79.0 percent.

Ang $1.7 billion na outflows para sa Enero 2020 ay mas mataas ng 20 percent kumpara sa $1.4 billion noong Dis­yembre 2019.

Ang US ay tumang­gap ng 62.1 percent ng total outflows.

“Year-on-year, registered investments were 40.1 percent lower than the $2.1 billion level recorded in January 2019, while gross outflows were higher than the outflows recorded a year ago of $1.3 billion — a decline of 32.5 percent,” ayon pa sa BSP.

Comments are closed.