PUMALO na sa 48,655 pulis ang nagwagi kontra COVID-19 makaraang madagdag ang anim na bagong recoveries.
Sa datos ng Philippine National Police –Health Service (PNP-HS), mayroon lamang isang pulis na dinapuan ng COVID-19 kaya ang aktibong kaso na lamang nito sa organisasyon ay 28 na lamang.
Habang ang kabuuang kaso ng nasabing sakit simula nang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa enhanced community quarantine ang Metro Manila noong Maso 15, 2020 ay nasa 48,811 na.
Nananatili naman sa 128 ang COVID-19 fatalities na ang unang nasawi ay noong Abril 2020 habang ang huli ay noong Pebrero 1 ng kasalukuyang taon.
Samantala, 220,173 pulis ang fully vaccinated; 3,894 pa ang naghihintay ng ikalawang dose at 750 na lamang ang hindi bakunado kasama ang 339 na pulis na mayroong medical condition at 411 ang nagdadalawang isip pa rin kung magpapabakuna.
Gayundin, umabot na sa 120,517 o 54.74% ng pulisya ang tumanggap na ng booster shot.
Umaasa naman si PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na hindi na madaragdagan ng marami ang kaso ng COVID-19 sa pulisya at tuluyang maabot ang ‘flat the curve goal’. EUNICE CELARIO