49 ANAK NG 4Ps BENEFICIARIES, TOPNOTCHER SA BOARD EXAMS

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamayagpag sa board exams ng mga anak ng mga dating 4Ps Beneficiaries.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, sa katatapos lamang na March 2024 Licensure Examination for Teachers (LET) ay isang dating 4Ps monitored child ang nakakuha ng top spot.

Mula rin 2018 hanggang sa kasalukuyan, kabuuang 49 mga anak ng dating 4Ps beneficiaries ang nakasungkit ng pinakamataas na scores sa iba’t ibang Board Examinations.

Dagdag pa ni Dumlao, mahigit 32,000 na mga dating monitored na anak ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang matagumpay na nakakumpleto ng kanilang Tertiary Education mula 2016 hanggang Abril 30 ngayong taon.

Aniya, 82 dito ay nakapagtapos ng magna cum laude, 1,135 cum laude, at 132 na nakapagtapos ay nakatanggap ng special distinctions.

Paliwanag pa ni Dumlao na mahigit 6,000 graduates ay mayroon nang lisensya o nakapasa sa licensed teachers, engineers, architects, at midwives. P ANTOLIN