49 COPS SA “COVER-UP TRY” SA P6.7 B DRUG HAUL DINISARMAHAN

DINISARMAHAN na ang 49 pulis na nakaladkad sa alegasyong tangkang cover-up sa P6.7 billion drug haul sa Maynila noong Oktubre 2022.

Mismong ang na-relieve na si dating PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Director, BGen. Narciso Domingo ang umaming inatasan siya, at ang 48 na iba pa na isurender ang kanilang service firearms.

Sa press conference sa Camp Crame nitong Abril 15 ng Special Investigation Task Group (SITG) 990 na pinamumunuan ni Directorate for Investigation and Detection Management (DIDM) Chief, PMaj Gen. Eliseo DC Cruz, inirekomenda na kasuhan ng administratibo at kriminal ang 49 pulis.

Samantala, nangangamba si Domingo sa buhay ng 48 pulis na walang armas dahil posibleng gantihan ang mga ito ng tunay na nagmamay-ari ng 990 kilos na droga na wala man lang pandepensa sa kanilang buhay.

Ayon naman sa SITG 990, ang kanilang pagdis-arma sa mga nasasangkot na pulis ay batay sa verbal instruction sa kanila ni PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr.. EC