49 ESTUDYANTE NALASON SA CHRISTMAS PARTY

Food poisoning

NEGROS OCCIDENTAL – ITINAKBO sa pagamutan ang 49 estudyante ng Maao Elementary School sa Bago City sa Negros Occidental matapos na ma-food poison sa kanilang Christmas Party na binayaran nila ng tig- P100.00 bawat isa.

Matapos na kumain ng kanilang handa ay nagsimula nang makaramdam umano ang ilan sa  Grade 1 students ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo na sintomas ng food poisoning.

Dahilan upang  agad silang dinala sa clinic ng barangay at ang ilan sa mga pasyente ay inilipat sa Bago City Hospital.

Ayon sa Local Disaster Risk Reduction Management Office ng Bogo City, posibleng sumama ang pakiramdam ng mga estudyante dahil sa handang spaghetti sa Christmas party.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang City Health Office kaugnay sa nagyaring insidente.

Kinumpirma sa media ni Roberto Angay, 49-anyos na principal ng paaralan na may mga estudyante sa Grade 1 ang dinala sa Bago City Hospital makaraang sumama ang pakiramdam at nagsuka.

Kaagad namang kumuha ng sample ng spaghetti ang Bago City Health Office upang masailalim sa laboratory test at inaasahang lalabas ang resulta nito ngayong araw.

Tiniyak naman ng may-ari ng catering service na magbibigay ito ng tulong pinansyal sa mga estudyante na nahilo.

Nabatid na nagbayad ang mga estudyante ng tig-P100 para sa spaghetti, fried chicken at kanin.VERLIN RUIZ

Comments are closed.