HALOS 49 partylist na nominado sa nalalapit na midterm polls ay bahagi ng political dynasty o pamilya na mayroong higit sa isang miyembro na naihalal sa public post.
Ito ang natuklasan nang ilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng mga partylist group para sa 2019 May election.
Ayon sa Comelec, ito ay upang maimpormahan ang mga botante ng kanilang iboboto sa darating na eleksiyon.
Nakalathala ang mga pangalan ng 181 nominadong partylist sa official Facebook page ng Comelec.
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, ang pagpapalabas ng listahan ng mga nominadong partylist ay upang mapa-husay ang transparency ng electoral process at para mapahintulutan ang mga botante ng gusto nilang ihalal.
“While the Comelec maintains that, in a party-list elections, it is the party-list organiza-tion as a whole that should be evaluated by the electorate, it cannot be denied that the identity of the nominees remains a significant reference for voters,” ayon pa kay Jimenez.
Comments are closed.