492 BAGONG KASO NG OMICRON VARIANT INIULAT

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ng 492 pang kaso ng COVID-19 Omicron variant sa Pilipinas.

Lumitaw na 68 porsiyento ang nasabing datos ng 714 samples na sinuri.

Sa 492 na karagdagang Omicron cases, 332 ang local case o walang travel history habang 160 naman ang returning Filipinos.

Sa ngayon, umabot na sa 535 ang kumpirmadong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 simula nang unang ma-detect sa bansa noong Disyembre 15, 2021.

Ayon pa sa DOH, dalawang kaso ang nasawi, tatlo ang aktibo, 467 ang gumaling habang 20 kaso pa ang bineberipika.

Iniulat din na 8,612 ang kaso ng Delta variant sa bansa.