TINATAYANG aabot sa 495 human trafficking victims ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa first 3 quarters ng taong ito.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, karamihan sa mga biktima ay hindi kumpleto ang mga dokumento o mga bogus ang mga dokumento.
Aniya, 90 percent sa mga ito ay naharang ng kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at ang iba sa mga airport ng Clark, Pampanga, at Mactan International Airport sa Cebu.
Nasa 325 ang napatunayan na potential victims ng trafficking, at agad na nai-turn over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), at ang 170 ay inendorso sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang suriin ang mga dokumento. Froilan Morallos