UMAASA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na susunod na rin ang natitira pang mahigit sa 400 Philippine National Police (PNP) high-ranking ang tatalima sa kanyang apela para sa courtesy resignation sa susunod na mga Linggo hanggang sa katapusan ng buwan.
Kinumpirma ni Abalos na nasa 60% na o mahigit 500 sa 947 high-ranking police officials ang nakapagsumite na ng kanilang courtesy resignations.
Pinasalamatan naman ni Abalos ang mga opisyal ng PNP na agad na tumalima sa panawagan niyang maghain ang mga ito ng courtesy resignation.
“Right now, I would like to thank those who have already given their resignations. We’re nearing 60 percent. Marami po kaming narereceive na magagandang comments dito talagang yung mga support from the regional commanders, different services na lalabas at lalabas din ito. I would like to thank you, lahat po ng taong sumasama sa panawagang ito,” pahayag ni Abalos.
“Marami po kaming nare-receive na magagandang comments dito talagang yung mga support from the regional commanders, different services na lalabas at lalabas din ito. I would like to thank you, lahat po ng taong sumasama sa panawagang ito,” dagdag pa nito.
Una nang nanawagan si Abalos sa lahat ng PNP full colonels at generals na magsumite ng courtesy resignation, upang malinis ang hanay ng pulisya mula sa mga opisyal na sangkot sa illegal drug trade.
Matapos ay rerebisahin ng limang miyembro ng komite na kinabibilangan ni retired police general at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang resignasyon ng mga ito.
“There is no demoralization within the ranks of the PNP. In fact, they welcome this development because they, too, would like the police organization to be rid of misfits and scalawags,” paglilinaw pa ng DILG chief. EVELYN GARCIA