4D AT 6D LOTTO BALIK NA

PCSO General Manager Royina Garma

INIANUNSIYO kahapon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na balik nang muli ang kanilang ‘larong may puso’ na 4D at 6D lotto habang sinimulan na rin nila ang pagtanggap ng aplikasyon para sa Small Town Lottery (STL).

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, nagsimula ang ticket selling ng mga 4D at 6D Lotto nitong Enero 7, 2021 lamang.

Aniya, ang unang draw ng 4D Lotto ay isinagawa nitong Biyernes, Enero 8, habang ang unang draw naman ng 6D Lotto ay isasagawa ngayong Sabado, Enero 9.

Samantala, sinabi ni Garma na sinimulan na rin kahapon ng PCSO ang pagtanggap ng aplikasyon para sa STL sa buong bansa, sa pamamagitan ng STL Core Group Secretariat at magtatagal ito hanggang sa Enero 25, 2021.

Ani Garma, maaaring magsumite ng aplikasyon para sa STL mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa mga nasabing petsa.

Sa National Capital Region (NCR), maaari aniyang magsumite ng aplikasyon sa  mga lungsod ng Las Piñas, Makati, Manila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Quezon at Taguig at munisipalidad ng Pateros.

Maaari ring magsumite ng STL application sa Ifugao para sa Cordillera Administrative Region; Quirino para sa Region II-Cagayan Valley; Aurora para sa Region III-Central Luzon; Rizal para sa Region 4A-Calabarzon; Marinduque at Palawan maliban sa Puerto Princesa para sa Region 4B-Mimaropa; Albay at Masbate para sa Region 5- Bicol Region; Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Iloilo City para sa Region 6-Western Visayas; Bohol at Cebu City para sa Region 7-Central Visayas; Northern Samar para sa Region 8-Eastern Visayas; Camiguin para sa Region 10-Northern Mindanao; Davao Occidental para sa Region 11-Davao Region; Sultan Kudarat para sa Region 12-Soccsksargen; at sa Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-tawi para sa Region 15-Autonomous Region of Muslim Mindanao.

Nabatid na ang isang STL applicant ay dapat na duly registered corporation na may Securities and Exchange Commission (SEC) at may minimum paid-up capital na hanggang P25 milyon. Dapat ring 100% itong pagmamay-ari ng mga Pinoy.

Para sa iba pang katanungan at listahan ng mga requirements at iba pang guidelines hinggil sa pag-aaplay para sa STL, maaaring bumisita sa PCSO website na www.pcso.gov.ph o tumawag sa Branch Operations Sector hotline number na (632) 8706 7571. ANA ROSARIO HERNANDEZ

7 thoughts on “4D AT 6D LOTTO BALIK NA”

  1. 38063 929378The the next occasion I read a weblog, I actually hope so it doesnt disappoint me around brussels. Come on, man, Yes, it was my option to read, but I just thought youd have some thing fascinating to state. All I hear can be a great deal of whining about something which you could fix in case you werent too busy looking for attention. 55351

  2. 908522 799286This really is a great topic to talk about. Normally when I uncover stuff like this I stumble it. This write-up probably wont do effectively with that crowd. I will be sure to submit something else though. 57052

  3. 368509 857728Quite efficiently written story. It is going to be valuable to anybody who employess it, including me. Maintain up the great function – canr wait to read far more posts. 309839

Leave a Reply

Your email address will not be published.