4G LTE TECHNOLOGIES ILALATAG NG GLOBE SA VISAYAS AT MINDANAO

GLOBE TELECOM

MATAPOS ang matagumpay na network upgrades at pagtatayo ng mga bagong cell site noong nakaraang taon, target ng Globe na ma-upgrade sa 4G LTE technologies ang ilang lungsod sa Visayas at Mindanao.

Ang upgrades ay magkakaloob ng mas mahusay na connectivity sa mga customer dahil sa mas mabilis at mas makabagong teknolohiya. Papalitan ng Globe ang dating 3G equipment nito ng 5G-ready 4G LTE infrastructure sa Bacolod City, Cebu City, Mandaue, Lapu-Lapu sa Visayas; at sa Davao City at  Cagayan de Oro sa Mindanao.

“Boosted by the positive feedback we received from customers who noted significant improvements in their call, SMS and data services after the site upgrades, we are upgrading more areas with the newest available technology that will respond to their needs better. We want our customers to make the most of the opportunities that are now available to them through better connectivity,” wika ni  Joel Agustin, Globe SVP for Program Development.

Nauna nang in-upgrade ng Globe ang network nito sa 5G-ready 4G LTE sa 199 lungsod at bayan sa Metro Manila, Rizal, Quezon, Albay, Oriental Mindoro, Bataan, Leyte, Agusan del Sur at Pampanga. Inaasahang pabibilisin ng kompanya ang paglipat nito sa 4G LTE ngayong taon, na magtutulak para maging bagong standard ito ng mobile internet sa Filipinas. Ito ay alinsunod sa global best practice dahil ang 3G technology ay itinuturing na ngayong ‘obsolete’.

Matagal nang hinihikayat ng Globe ang mga customer nito sa buong bansa na palitan ang kanilang  SIMs sa 5G-ready 4G/LTE SIM at i-upgrade ang kanilang devices sa 4G LTE.

Ang pagpapalit ng SIM change ay libre saan mang Globe Store at mapananatili ng mga customer ang kanilang lumang numero. Para sa  security reasons, ang mga customer ay pinapayuhang i- upgrade ang kanilang SIM sa Globe Store lamang.

Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa

https://www.globe.com.ph/help/mobile-internet/lte/faqs.html#gref.

Ang mga customer na nais mag-upgrade ng kanilang mobile devices ay maaari ring mag-check sa online sa https://shop.globe.com.ph/devices/5g-mobile-phones  para sa pinakamurang 4G/LTE  devices na available.

Comments are closed.