4K COPS BANTAY SA MARTIAL LAW CELEB

PNP-MARTIAL LAW

MAYNILA – NASA 4,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang augmentation force at multipliers para sa gaganaping paggunita sa deklarasyon ng batas militar o Martial Law sa Biyernes, Setyembre 21, sa Quirino Grandstand.

Ayon ito kina National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Guillermo Eleazar at Manila Police District (MPD) Director PCSupt. Rolando Anduyan. Sinabi rin ng mga opisyal na nakalatag na ang paghahanda ng buong kapulisan sa seguridad at kaayusan, deployment ng police personnel at iba pa para sa nasabing aktibidad at mga inaasahang kilos protesta.

Tiniyak naman ni ­Eleazar na paiiralin ng hukbong kapulisan na magbabantay seguridad ang maximum tolerance kahit pa magkaroon ng mga kilos protesta sa nasabing aktibidad. PAUL ROLDAN

Comments are closed.