SA loob lamang ng mahigit isang buwan ay umaabot na sa mahigit na 4,000 indibidwal ang dinapuan ng tigdas sa bansa, kabilang dito ang 70 katao na nasawi dahil sa kumplikasyon ng sakit.
Sa inilabas na update ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH) kahapon, nabatid na nasa kabuuang 4,302 mea-sles cases, na may 70-deaths, ang naitala nila mula Enero 1 hanggang Pebrero 9, 2019 lamang.
Ayon sa DOH, ang mga nasawi sa tigdas ay nagkaka-edad ng isang buwan hanggang 31-taong gulang, at 79 porsiyento ng mga ito ay pawang hindi nabakunahan.
Samantala, ang mga nagkakasakit naman ng tigdas ay nagkaka-edad lamang ng mula isang buwang gulang hanggang 75-taong gulang, at 66 porsiyento sa kanila ay walang history ng bakuna.
Nabatid na pinakaapektado ng sakit ay ang mga nagkaka-edad ng isang taon hanggang apat na taong gulang, na nasa 34 por-siyento, gayundin ang mga siyam na buwang gulang pababa, na nasa 27 porsiyento naman.
Ayon sa DOH, ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng sakit, sa bilang na 1,296 kaso na may 18 patay; kasunod ang Calabarzon (1,086 cases at 25 deaths); Central Luzon (481 kaso at tatlong patay); Western Visayas (212 cases at apat na patay); at Northern Mindanao (189 kaso at dalawang patay).
Nauna rito, nagdeklara na ang DOH ng measles outbreak sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Western at Eastern Vi-sayas.
Isinisisi naman ng DOH ang naturang outbreak ng tigdas sa ‘vaccine hesitancy’ ng mga mamamayan o takot sa pagpapabakuna, dahil na rin sa pumutok na isyu hinggil sa pagkamatay ng ilang batang nabakunahan ng Dengvaxia, gayundin ang kawalan ng panahon ng mga magulang na dalhin sa mga health center ang kanilang mga anak.
“The causes of measles outbreak involved a number of factors or elements. Loss of public confidence and trust in vaccines in the immunization program brought about by the Dengvaxia controversy has been documented as one of many factors that contribut-ed to vaccine hesitancy in the country,” anang DOH sa isang pahayag.
Aminado naman ang DOH na hindi pa rin nila kontrolado ngayon ang sitwasyon sa tigdas ngunit tiniyak na ginagawa nila ang lahat upang masolusyunan ang problema, gaya ng pagdaraos ng vaccine activities, sa iba’t ibang rehiyon.
Muli rin namang hinikayat ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko na huwag nang magdalawang-isip at dalhin na sa health centers ang kanilang mga anak upang mabakunahan.
Iginiit niya na ang bakuna kontra sa tigdas ay matagal nang napatunayang epektibo kaya’t hindi dapat na matakot hinggil dito ang mga magulang.
“I appeal to the public to rebuild your trust and confidence in vaccines that were long proven to be effective, and I am quite sure that all of us sometime in our lives have been recipients of these vaccines which had protected us from various diseases,” pana-wagan pa ni Duque. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.