4M BULAKENYO TARGET NA MAPABAKUNAHAN

BULACAN-SISIKAPIN ng provincial government ng lalawigan na mabigyan ng bakuna ang may apat na milyong Bulakenyo mula sa tatlong lungsod at 21 munisipalidad para matiyak ang kaligtasan ng mga ito mula sa nakamamatay na COVID-19.

Ito ang tiniyak ni Gov.Daniel Fernando sa kanyang mga kababayan sakaling magkaroon na ang bansa ng bakuna laban sa COVID-19.

Aniya,sa pamamagitan ng tulong mula sa local government unit ng siyudad at munisipalidad,ayudang manggagaling sa national government at ng provincial government ay pipilitin nitong mapabakunahan ang tinatayang apat na milyong populasyon ng Bulacan.

“Inaantay pa namin ang feedback from the cities and municipalities and from the national as well para malaman namin ang total vaccine na ia allocate ng provincial goverment pero definitely ay pipilitin natin na bawat isang Bulakenyo na halos apat na milyon ang kabuuang populasyon ay magkaroon ng bakuna.”ayon pa kay Fernando.

Kamakailan ay inaprubahan na ang inilaang P6 bilyong budget ng kapitolyo para sa taong 2021 at dito manggagaling ang share ng provincial goverment ng Bulacan sa pagbili ng bakuna ng COVID-19 at ang tanging hinihintay na lamang nila ay ng feedback mula sa 21 bayan at tatlong siyudad para sa ilalaang pondo sa bibilhin bakuna. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.