NAKATAKDANG ipamahagi ng Land Transportation Office (LTO) ang nasa apat na milyong plastic driver’s license cards backlog sa susunod na taon.
Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza na magsasagawa sila ng anunsiyo kaugnay rito hanggang Lunes.
Ayon kay Mendoza, ang mga magre-renew ng lisensiya ay makaaasang hindi na papel ang kanilang matatanggap.
“We are back on track as long as plastic cards are concerned,” ani Mendoza.
Nag-iisyu ang LTO ng may 6.5 milyong bagong lisensiya kada taon, habang ang malaking backlog naman sa mg ID ay itinaas ang antas sa bidding at pumasok na sa government-to-government license printing agreement ang LTO.
Sinabi pa ng LTO na upang hindi lumaki ang backlog, inabisuhan na ng ahensiya ang lahat ng bibili ng sasakyan na dapat ay mayroon nang license plate, official receipt at certificate of registration (OR/CR) tatlong araw bago gamitin ang biniling sasakyan.
Samantala, agad namang padadalhan ng show cause order ng LTO ang mga car dealer para sa proseso ng license plates.
PAULA ANTOLIN