MASBATE CITY- NAKATAKDANG simulan ang pagtatayo ng 3 units 6 storey mid-rise condominum na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) project ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at popondohan ng Pag-Ibig (HDMF) sa lalawigang ito.
Ginanap nitong Huwebes ng umaga ang ground breaking ceremony sa Sitio Cagba, Barangay Tugbo na dinaluhan ng mga kinatawan ng DHSUD na sina Assistant Secretary Rosve V. Henson, Bicol Regional Director Richard Manila, 4PH Housing Relations Officer Raul Oliquino at ilang personalidad sa lalawigan na kinabibilangan nina Vice Governor Elisa Kho at 1st District Rep. Richard Kho.
Kasama rin sa mga dumalo sina DILG Provincial Director Ben Paul Naz, Board Members Teddy Danao, Kristopher Espinosa, George Gonzales Jr., Nilda Tinegra, Rudy Alvarez, Jr. at SK Provincial Federation President Hannah Gonzales.
Mabibenepisyuhan ng nasabing pabahay ang mga miyembro ng Pag-Ibig na walang sariling tahanan sa lalawigan.
RUBEN FUENTES