OBLIGADO na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas.
Sagot ito ng DSWD sa apela ng Department of Health (DOH) na tulungan sila sa ginagawang kampanya laban sa pagkalat ng mga sakit dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng tigdas sa buong bansa.
Nanawagan din ang DSWD sa 4Ps beneficiaries na samantalahin ang programa ng gobyerno sa pagbabakuna laban sa mea-sles outbreak.
Nangako ang DSWD na tutulong sa kampanya at hinimok nito ang lahat ng mga benepisyaryo ng 4Ps na tiyaking pabakuna-han ang kanilang mga anak.
Palalawakin na rin ng ahensiya ang pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa kahalagahan ng pagbabakuna kontra mga sakit. NENET V