BULACAN- PUMALAG ang ilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program(4Ps) dahil sa form na ipinamahagi sa mga pabahay ng Brgy, Bagong Barrio sa bayan ng Pandi sa lalawigang ito.
Ito ay dahil sa ang ipamahagi form ng isang kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay may mga nakasulat na pangalan ng ibang tao o benepisyaryo na hindi naman umano nila kilala nitong Sabado sa covered court ng Barangay Bagong Barrio.
Nabatid na nasa 266 benepisyaryo ng 4ps, ang tumanggi na burahin ang pangalan na una nang nakasulat sa dokumento ng DSWD.
Anila, nasa 6 buwan ang inaasahan nilang retro payments na maibibigay ng ahensiya kabilang sa dapat matanggap ay ang rice at health subsidy bukod pa ang para sa mga mag-aaral.
Matatandaang 2012 pa nag-simulang makatanggap ng 4Ps ang mga residente ng Brgy.Bagong Barrio hanggang ngayong taon.
Hiling ni alyasTere na maibigay na ang kanilang 4Ps upang kahit papaano ay may magagamit sa paparating na Pasko at para sa pangangailangan ng kanyang mga anak at apo.
Kasunod nito, umapela rin si Alyas Daniel kay DSWD Secretary Rex Gatchalian na tulungan sila na mapadali ang pamamahagi ng ayuda para mga benepisyaryo na malaking tulong sa kanilang pamilya.
Dagdag pasanin din ng iba pang mga benepisyaryo na graduating na sa 4Ps dahil ang ilan sa kanila ay una nang pinapirma sa form ng DSWD kahit hindi pa nila natatanggap ang pangako ng ahensiya. THONY ARCENAL