DAHIL sa patuloy na pagtaas ng inflation rate, isinusulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagsasaayos sa cash grant na ibinibigay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao na kinikilala nila ang pangangailangang ayusin ang 4Ps cash aid.
Ang DSWD ay nakikipagtulungan sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagsusumikap na makahanap ng pinakamahusay na index na gagamitin para sa awtomatikong pagsasaayos ng mga benepisyo.
“Nais kong ulitin ang sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang pagsasaayos ng cash grants ng mga benepisyaryo ng 4Ps ay hindi lamang napapanahon kundi pinapanatili din nito ang halaga ng mga grant ” dagdag nito.
Ayon kay Dumlao, mahalagang makipagtulungan ang DSWD sa NEDA at PSA para makabuo ng tamang halaga para matiyak na ang 4Ps grants ay makakapagpagaan sa epekto ng inflation o pagtaas ng mga bilihin.