4TH PACKAGE NG TAX REFORM PROGRAM

Tax Reform Program

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang ikaapat na bahagi ng comprehensive tax reform program (CTRP) ng administrasyong Duterte na layong gawing simple at patas ang pagbubuwis sa bansa.

Sa botong 190-7 ay nakalusot sa 3rd and final reading ang House Bill 8645 o ang ‘Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act of 2019’.

Aayusin ng panukala ang 80 financial tax rates para maging 41 na lamang ito at ipawawalang-bisa ang maraming special laws na naggagawad ng special rate at exemptions.

Isasaayos din nito ang buwis na ipinapataw ng financial intermediaries tulad ng mga serbisyo na savings, investments, gayundin ang debt at equity instruments.

Papatawan naman ng unified income tax ang mga interes, dibidendo at capital gains habang 2% naman ang ipapataw sa mga preneed, pension at life insurance.

Sa oras na maging ganap na batas, makikinabang dito ang mahihirap at middle class dahil ang buwis sa savings ay bababa sa 15% mula sa kasalukuyang 20%.  CONDE BATAC

Comments are closed.